February 2011
8 posts
GoodMorning :) Ngayon ko lang maisshare sa inyo yun nanyare kahapon.Ang saya-saya ko kasi magkasama kami,walang hadlang as in super magkadikit talaga kami.Alam mo yun feeling na ayaw mo ng tumakbo yun oras para lang makasama mo yun taong mahal mo ng napakatagal.Simula umaga hanggang hapon kasama ko siya,sana nga lagi na lang practice para lagi ko siyang nakikita,nakakausap,nakakatabi,nakukulit,nahahawakan ko siya,at napapadama ko kung gaano ko siya kamahal ng sobra.
Ang dami ngang schoolmates namin ang kinikilig sa amin :D pati ako kilig na kilig eh :”> Buti na lang talaga tanggap siya ng mga friends ko for me dati kasi parang ayaw nila sa kanya.Pero naiintindihan ko naman yun eh :)) Sana yun relationship namin magtagal ng sobrang tagal.
Hanggang dito na lang madame kasi talagang nanyari kahapon :))
May kilala kasi ko na tao na hindi naman talaga niya dapat pakielaman eh pnapakelaman pa.Grabe talaga.Alam mo yung feeling na gustong-gusto mo siyang sabihan ng “napakapkielamero/pkilamera mo naman,O eksena ka na naman”yun ganyan.Kaya lang di mo magawa kasi minsan ayaw mo din mapahiya yun tao.
Pero minsan talaga pag di ko mapigilan nadidiretso ko na talaga.Minsan kasi prangka ko eh.ayoko kasi talaga din ng plastik.
Ganito kasi yan,kanina sa school may quiz kami sa Physics.E hindi pa ko tapos kumain as in yun mga classmate ko nagrereview na tapos ako ayun lamon lang ng lamon.Dahil sa kakakaen ko ayun 0/15 ang nakuha ko.HAHAHA I’m so great LOLJK!
Share lungs.
Hindi ko alam kung bakit. Pero yun BF ko kasi lage na lang nag-yoyosi,at naiinis ako.Hindi ko naman siya magawang sabihan sa harap ng barkada niya.Kaya pag kaming dalawa lang saka ko lang siya sinasabihan. Sabi niya naman titigil na siya. Sana nga maitigil na niya.
Kahapon kasi magkasama kami ni boyfriend yiie! KV Mga 10am ako umalis samin.Nag-kita kami dun sa Plaza kasama yun 2 nyang friends.Syempre kailangan maayos ako nung araw na yon kasi makikita na naman ako ng tita niya na mukang masungit,pero mabait.
Sumakay na kami ng tricycle,gusto ko sana ako na yun magbayad kasi sinusundo pa niya ko.Eh the problem is ayaw niya nagagalit lang sakin,nahihiya na kasi ko sa kanya kada pupunta ko dun lahat siya gumagastos.Ayun malapit na kami sa bahay niya,kaya lang di naman kami dun bumaba dun kami sa tapat ng bahay ng barkada niya.Buti na lang talaga ka-close ko yun mga friends niya :) Grabe ang init nung time na yun balak ata ng boyfriend ko na sunugin ako HAHAHA tapos ang tagal namin nakatambay dun.Hm tapos tanghali na sabi ko sa kanya kumain na siya hihintayin ko na lang siya dun sa bahay ng friend niya kasi girl naman yun :) ayaw niya pumayag paulit-ulit ko siyang kinukulit hanggang sa ayun ako din ang sumama sa bahay niya,sinamahan ko siya para kumain.Nung andun na kami sa kanila naabutan namin yun tita niya sa bintana tapos sa sobrang kaba ko eh ngiti na lang ang nagawa ko nun kaharap ko na tita niya di na ko nakapagsalita kahit Good Afternoon po di ko man lang nasabi. :D
Tapos na siyang kumain.Di kasi ko kumain sa kanila kasi di naman ako gutom kaya ayun nanood na lang ako ng T.V kasama yun 2 niyang makulit na pinsan.Grabe sobrang kulit nun 2 lalaki kasi,e eto naman boyfriend ko pinapapasok sa kwarto yun 2 sabi ko sa kanya hayaan mo nga sila.Sabi niya sakin eh ang kulit eh ( na medyo may pagka-inis ) tumahimik na lang ako nung sinabi niya yun baka kasi pag-awayan pa namin yun.Hanggang sa ayaw talagang pumasok nun 2 bata sa kwarto, hinawakan na lang niya yun kamay ko HAHAHA.Magka-holding hands kami habang nanonood ng T.V :D
Siguro mga 1:30 naisipan na namin lumabas ng bahay papunta sa friend niya.Ayun mainit na naman bilad na namn ako sa arawan.Sabi ng friend niya uy dun muna kayo sa motor mainit diyan.Eh di punta kami dun tas yosi na naman siya.Nakakatawa lang nung magkatabi kami nakita ng mga friend niya na hinalikan niya ko HAHAHA paulit-ulit nila na nakita yun :D Tapos nagkukulitan kami dalawa para lang kaming bata nung time na yun.At eto ang the best part na nangyari, nakita kami ng nanay ng friend niya sabi kay boyfriend *insert name here* kapatid mo yan? HAHAHA tawanan kaming lahat biruin mo yun napagkamalan lang kami na magkapatid tapos sabay bitaw ko sa kanya lumayo ako ng konti :D sabi ko kapatid kamusta na? sabi niya walang kapa-kapatid sabay kuha sa kamay ko.Nung time na yun ayoko ng umuwi eh dapat kasi mga 3 uwi na ko e ayaw pa niya sabi niya mga 5 na kaya ayun di muna ko umuwi.Inenjoy ko yun mga oras na kasama ko siya.Kasi sa school di kami ganun magkaiba kasi kami ng oras :( pero ok lang hindi kami lapitin ng tsismis :) Habang naghihintay kami ng oras nag-kagatan na lang kami HAHAHA kunwari ako si Nina Dovrev at siya si Paul Wesley pero sana siya na lang si Ian Somerhalder o di ba swak na swak :D grabe ang sakit nung kagat niya sakin at may marka pa.Hm puro ganun na lang ginawa namin hanggang sa 5pm na uuwi na ko sabi ko sa kanya ako na lang mag-isa pauwi na din naman eh sabi niya eh ( na may pagka-inis ule ) kinulit-kulit ko siya pero ayaw talaga niyang pumayag Kaya ayun nagpahatid na ko.Pero dahil nasa kanya pera ko siya yun nagbayad pero gamit yun pera ko :)) hinintay lang niya ko makasakay tapos uwi na siya syempre bago ko umuwi my goodbye kiss :”>
Ayun lang nai-share ko lang naman :))
Yun tipong gusto mo ng angkinin yun meron ang isang tao.Wag ganun panget yun. :))
Ayan palagi ko sinasabi sa boyfriend ko,ayoko kasing itulad niya ko sa mga ex girlfriends niya.Sabi naman niya sakin seryoso talaga siya.Kaya lang di talaga mawala sa isip ko yun pag-aalinlangan na gawin niya yun sakin,hindi ko alam kung bakit.Pero may tiwala ako sa kanya alam niya naman yun.Kaya nga minsan pag nagkaka-usap kami lage ko siyang tinatanong,yun bang sinisiguro ko na ako lang yun walang iba SELFISH ako pagdating sa kanya eh.Gusto akin lang siya yun as in buong buo akin siya.Walang kaagaw sa atensyon niya,walang makikisawsaw at higit sa lahat gusto ko walang kabet.
Ang sarap kasi ng feeling na ikaw lang yun sa buhay ng taong mahal mo.Yun bang kahit andiyan yun tropa niya,di pa din siya mawawalan ng time sayo buti na lang ganun si boyfriend :)) Isa pang dahilan yun kung bakit mahal na mahal ko siya eh.Sana lang magtagal kami ng sobrang tagal. :”>